| taLkin'b0utmy COMICS story Tittle: Fighters ( Part 1 ) Translated in TAGALOG by:TROY
NEWYORK 2005yrs.-Isang lugar na lahat nang bagay ay pwedeng mangyari. Ngunit ang gulo ay hindi mo maiiwasan,kahit saan ka man magpunta o tumira may mangyayari parin sa ayaw mo at hindi- "waggg!!!"sigaw ng isang lalaki,sa gilid ng lumang building.sa masikip na lugar kung saan kaunting tao lang ang pwedeng makakita.ngunit hindi mag isa ang lalaking sumigaw kanina mula sa lugar na iyon. "okei!okei!mahirap bang sabihin kung sino ang lalaking umaaligid sa aking syota haa?!"sabi pa ng isang lalaki at sabay may binunot sa ilalim ng kanyang t-shirt,isang baril!sabay noon,itinutok nya sa ulo ng isang lalaki na nagmamakaawa."okei,last chance mo na ito!bibilang ako ng tatlo,at pag hindi mo pa sinabi ang gusto kang malaman!boomm!sabog ang ulo mong bata ka"pangiting sabi ng lalaking armato sa isa pang lalaki na medyo mas bata sa kanya.-"hindi ko alam ang kanyang pangalan,p-pero nakatira sya sa malaking bahay !y-yun lang ang alam ko!" pawisang banggit ng bata,napangiti ang lalaking armato,tumawa,at.."ulol!sa tingin mo,ilang malaking bahay ang meron dito sa newyork?!"pasigaw na tanong ng lalaking armato,"s-sampung libo?!"pailang na sinagot iyong ng bata,napasimangot tuloy ang lalaking armato doon sa isinagot ng bata sa kanya,pakiramdam nito pinipilosopo sya.kung kayat bumawi agad ang bata para hindi nya makamit ang galit ng lalaking armato,"mananahimik na ako!"mahina nitong sinabi,napabuntong hininga ang lalaking armato,malaki ang pagseselos nito,at naintindihan iyong ng bata kayat kahit ayaw nya magsalita upang hindi mapahamak,binukas nya ang kanyang bibig upang matulungan ang lalaking armato."h-hindi mo naman kaylangan magselos eh!s-siguro may iba pang dahilan kung bakit sila nag kita,iba pa doon sa iniisip mo!"sabi nito,napaisip ang lalaking armato,napatingin sa sulok,at sinabing-"may pera ka ba dyan?!"ngiti nito sa bata."h-ha?!"napatulala ang bata sa kanyang sinabi,hindi nya maintindihan kung bakit napasali ang pera sa kanila.agad naman iyong sinagot ng bata."m-meron!hmm!nga 200 nej pa itong pera ko! b-bakit?!" pangiti nitong tanong sa lalaking armato, inilapit nya ng armato ang kanyang mukha sa isang lalaki, na nagmamakaawa sa kanya kanina_ at sabay niyang sinabi "nagugutom kasi ako!!"sabay himas pa sa kanyang tiyan,walang nagawa ang bata kung hindi bitbitin ang nagugutom sa isang lugar kung saan siya nababagay. At iyon nga't pumunta na sila sa kainan, sa gilid ng state building maliit lamang ang kainan, ngunit para kay dennis, lorenz malaking bagay na iyon!nakadalawang order na spaghetti at iba pa para kay dennis,at panino para sa magbabayad,iyong bata-sino pa!"siyanga pala,hindi mo pa sinasabi kung anong pangalan mo?!”tanong ni ng bata kay tennis.Hindi agad isinagot ni dennis ang itinanong sa kanya,Dahil sa sobrang gutom walang sinasayang na minuto si dennis para tapusin ang kanyang kinakain,pero mga ilang minuto kumibo din siya .Puno ng pagkain ang bibig ni dennis nang siya ay nagsalita "hmp, panga- hmp, ay- den hmp!"kung kayat walang naintindihan ang kausap ni dennis, ngunit para sa isang tao katatapos lamang maiwas sa kamatayan at nagkaroon ng isang chance upang mabuhay sa mundong kanilang kinatatayuan.Walang dahilan upang sabihin na hindi nya naintindihan- "a-ako nga pala si vhon" sabi ng bata,at sabay niyang inabot ang kamay nito upang makipagkamay, ngunit hindi nakipagkamay si dennis. patuloy pa rin ito sa pagkain- nakaramdam ng pagkahiya si vhon- napangiti na lamang siyat yumuko- "eh?! hehehe!!.. mukhang hindi ka pa ata kumakain sa inyo?! kung gusto mo ,sumama ka sakin,diyan lang nman ang bahay ko! malapit lang!" alok ni vhon kay dennis- hindi sumagot si dennis-, tuloy-tuloy pa rin siya sa pagkain! at muli nanamang napahiya si vhon.Matapos ang ilang minuto sa kinakain ni tennis,natapos din iyon.”Hmp!Mwaa!Sa wakas napuno din ang aking sikmura na kanina pa kumukulo!Maraming salamat kaibigan!hehehe!”sabay himas sa tiyan niyang puno na nang pakain.napalingon ng punti-unti si vhon kay dennis.”eh?!K-A-I-B-I-G-A-N?!”.Bulong ni vhon sa kanyang sarili.”Sa ilang taon kong ibinuhay sa mundong ito may tumawag narin saking ng kaibigan”Bulong ulit ni vhon sa kanyang sarili.Hindi namalayan ni vhon na kinakausap pala sya ni dennis’ .Ngunit hindi ito naintindihan ni vhon –Sapagkat nakatalikod si vhon kay dennis at may ibinubulong ito sa kanyang sarili.Kung kayat hinampas ito ni dennis sa likod upang magising si vhon-“HOYYY!!!!”pasigaw nitong sabi.Nagulat si vhon,Napalingon ito ng bigla kay dennis’ “e-eh?!” Maikli niyang sabi.”Ang sabi ko,pano mo nakilala si anne?!At gusto kong malaman kung anong pangalan noong lalaking umaaligid sa kanya,gusto ko siyang makilala,pwede mo bang gawin iyon para sakin ha?!”Sabi nito at sabay akbay sa balikat ni dennis’.sinabayan nya rin nang pagpungay ng kanyang mga mata-At nag mamakaawa ito sa kanya para lang matupad ang kanyang gusto.”Eh?!Sinabi ko na sayo na hindi ko alam ang kanyang panga-….”Naputol ang kanyang sinasabi dahil pinigil siya ng kamay ni dennis’ “Ang sabi ko gusto ko siyang makilala,hindi ko tinatanong kung anong pangalan nya-get mo ba ako?!”Sabi nito at sabay kindat kay vhon,walang nagawa si vhon ,iyon ngat patungo sila sa bahay ng lalaking kasama ni anne-Ang babaeng iniibig ni dennis. Habang nag lalakad sila patungo sa pupuntahan may naisip itanong si vhon kay dennis. “ehem,kilala mo pala si anne at nasabi mo kanina na kasintahan mo siya,diba?!” Usisa ni vhon kay dennis habang silay naglalakad. Hindi agad iyon sinagot ni dennis, napakamot ito sa ilong at sinabing..”eh..nasabi ko ba iyon?!ang totoo hindi pa nga ako kilala’ ni anne-ni nakikita!!hehehehe!!”tawa nito,sabay kamot sa ulo. Nagulat si vhon sa narinig,napanganga siya. Hindi sya makapaiwala na ang lalaking nagtutok sa kanya ng baril at nanakot na pasasabugin ang kanyang utak ay isang taong walang magawa. Sabay napalingo si vhon kay dennis’ “A-ano?!eh bakit mo gusto makilala yung lalaking kasama ni anne kahapon?!” Tanong nito kay dennis, tawa lang ang isinagot ni dennis,kamot sa ulo-Walang nagawa si vhon kung hindi hayaan na lamang ang sagot sa tanong nya kanina. Napabuntong hininga si vhon,At sabay iyinuko ang kanyang ulo , sa pangalawang pagkakataon na napahiya si vhon kay dennis’,hindi na sya umimik. Matapos ang ilang kalsadang paglalakad ,narating din nila ang bahay ng lalaking pinag-uusapan nina vhon at dennis. Tama nga ang pagkakalarawan ni vhon ,nakatira nga iyon sa malaking bahay na para bang tirahan na ng isang hari dahil sa laki nito. Hindi naka-imik si dennis- nakatulala siya na nakatingin sa malaking bahay na iyon,humangin sa kanilang harapan sumayad iyon sa ulo ni dennis at gumalaw ng kanyang buhok dahil sa hangin na iyon. Ngunit hindi parin ito nagising sa pagkakatulala sa bahay na iyon sa halip para pa itong gago na naka-nganga. Si vhon na mismo ang bumasag sa katahimikan sa pagitan nilang dalawa. “eh!sabi ko sayo,nakatira siya sa malaking bahay!wow!talaga palang malaki noh?!pwede kaya akong mag-apply bilang katulong,sa tingin mo dennis?!“tanong nya sa kanyang katabi,at sabay lingon nya rito,ngunit nanatili parin iyong nakatulala at para bang patay na nakatayo sa harap ng bahay na iyon. Napangiti lang si vhon,dahil sa itsura nito. Sandali pa at bumukas uli ang bibig ni vhon at sinabi nya na..”m-mike adler pala ang pangalan niya eh!”bulong ni vhon na sinabayan nya pa ng himas sa baba nito. Mahina man ang pagkakasabi ni vhon,narinig parin iyon ni dennis at mukhang ikinagulat niya ang kanyang narinig. “A-anong sabi mo?!”galit niyang tanong kay vhon sabay niyang hinila ito sa harap ng kanyang damit. “A-akala ko ba hindi mo alam ang name ng-ng...“pagputol nito sa kanyang sinasabi,natulala na naman si dennis,ngunti hindi alam ni vhon kung bakit ito natulala, napansin lamang ni vhon na iyong mga mata ni dennis ay nakatingin sa kanyang likuran na para bang may tinitignan at kinatatakutan,nakita nya kung pano lumaki ang mga mata ni dennis. Kung kayat unti-unting lumingon si vhon para alamin kung ano ang nakita ni vhon sa kanyang likuran upang mapatulala ito . iyon nga,nakita nya na may papalapit na dalawang tao ngunit hindi ito gaano makita dahil malayo pa iyon sa kanila,wala siyang alam kung sino ang mga iyon,kayat mabilis siyang lumingon ulit kay dennis upang tanungin kung sino ang mga nakita niyang iyon para siya ay mapatulala ng ganoon. Ngunit pagkalingon nya sa kanyang harap wala na si dennis,nawala iyon ng hindi niya namamalayan,wala siyang kaalam-alam kung saan nagpunta si dennis,at kung bakit ito umalis? Lingon doon at lingon dito ang kanyang ginawa,ngunit walang nangyari ni anino ni dennis hindi niya na makita. Sa sobrang pag tataka napabulong tuluyan si vhon sa kanyang sarili. “A-ang bilis naman niyon tumakbo?!“sabi nito,napabuntong hininga si vhon,kamot sa ulo,at sabay uli sya lumingon sa kanyang likuran dahil may narinig siyang boses na papalapit sa kanyang. Nakita nya si anne(ang babaeng iniibig ni dennis),nagulat siya at sabay pumasok sa kanyang isipan si dennis,”ah,iyon ang dahilan kung bakit nawala siya, at nakita nya si anne at…”pag iisip ni vhon kay dennis,naputol ang kanyang iniisip dahil tinawag siya ni anne, isang babaeng sexy(syempre!) at maganda at mabait! Mahaba ang kanyang buhok na haggang balikat at kulay itim iyon. Nakasuot ito ng pang school unifom,at kagagaling lang nila ng school at may kasama ito. Sino ngaba kasama ni anne?si mike adler ang lalaking pinagseselosan ni dennis mula noong isang araw pa. Magkasama lamang sila sa isang school kung kayat nagkikita sila madalas at nagkakasabay sa pag-uwi. “vhon!anong ginagawa mo rito?!”takang tanong ni anne sa kanya, hindi masyadong narinig ni vhon ang sinabi ni anne sa kanya,kung kayat hindi niya iyon nasagot.kayat nagsalita na naman si anne,”Sya nga pala si mike,prend ko.mike,si vhon,pinsan ko!”sabi nito,hindi kumibo si mike,sa halip lumingon pa iyon sa ibang parte,hindi kay vhon. “e-eh?!”pangiting sabi ni vhon,nahalata ni anne na napahiya si vhon dahil sa hinding inaasahan na iaasal ni mike sa harap ni vhon ng siyay ipakilala ni anne. Kung kayat nagbigay agad ito ng paliwanag kay vhon. “ganyan talaga siya , vhon!kaya pagpasensiyahan mo na ok?!” bulong nito,at sabay kindat pa sa kanya. “siya nga pala hindi mo pa sinasagot sakin iyong tanong ko kanina sayo!anong ginagawa mo ditto hindi ka pumunta ng school mo?!” tanong pa nito sa kanyang pinsan. Hindi naman agad niya iyon nasagot dahil iniisip niya kung sasabihin niya ang nangyari kanina kung bakit hindi siya nakapasok ng school. Pagkat hinarang siya ni dennis kanina habang papasok na siya. Hindi niys pwedeng sabihin iyon dahil hindi din siya paniniwalaan ni anne dahil wala naman sa kanyang tabi si dennis upang ipaliwanag ang tunay na nangyari. Kayat nag ambento na lang si vhon ng dahilan kung bakit nga siya hindi nakapasok ng school. “eh! Tinamad lang ako kanina kaya hindi na ako pumasok ng school,alam mo naman?!hehehe!“pangiti niyang sabi sabay ngiti nito. “a-at isa pa napadaan lang naman ako dito hindi ko na nga alam pauwi eh.“ Dagdag pa nito sa kanyang sinasabi. Napataas ng kilay si anne,nag iisip kung tunay nga ang sinasabi ng kanyang pinsan na naliligaw nga ito. At nagpaalam na siya kay mike. “kailangan ko ng umalis mike,sasabay ko na itong pinsan ko at naliligaw daw eh!”pagpapaalam ni anne kay mike. Napatitig lang si mike kay anne, hindi iyon kumibo tulad ng dati. At nakita ni vhon na hindi sumagot si mike sa kanyang pinsan, kung kayat tiningnan niya ito ng masama at sinabing…” alin na raw kami,wala ka bang sasabihin ha?!” napasimangot si vhon ng sinabi niya iyon. Ngunit katulad kanina hindi kumibo si mike sa halip tumalikod pa ito sa kanya na,at pumapasok na ng gate pa punta sa kanyang bahay. Nanatili paring nakatayo si vhon at pinagmamasdan si mike habang naglalakad iyon. Naalis lamang ang pagkakatitig niya kay mike ng tinawag siya ni anne dahil napansin nito na wala sa kanyang likuran si vhon. “ano ba bakit nandiyan ka pa ha?!”pasigaw nitong sabi kay vhon. Tumingin muna si vhon sa gate upang tinangna kung naroon pa si mike,wala na iyon,marahil nakapasok na ito sa loob ng bahay. Kayat tumakbo na agad si vhon kay anne,dahil malayo na iyon sa kanya. Iyon ngat malayo na sila sa bahay ni mike. Habang naglalakad sila ni anne papunta sa bahay nila. Pumasok sa isip ni vhon si dennis , hindi niya ito nakita mula kanina pa,at hindi niya na alam kung anong nangyari dito, at kung bakit ito umalis?! Nasan na nga ba si dennis? At bigla na lamang ito nawala sa likuran ni vhon! Sa isang gilid ng bahay ni mike adler may kumakaluskos doon sa halamanan ,iyon nga at may lumalabas mula doon, si dennis!doon pala siya nagtago dahil sa sobrang hiya kay anne. Tumayo siya at Pinipilit niyang lumabas mula doon. Ngunti hindi siya makalabas Dahil sumabit ang kanyang damit sa tinik ng halaman. ‘’anak ng...bakit hindi ko matanggal itong…”panggigil niya sa halaman,hinihila niya ito ngunit ayaw nito maalis mula sa pagkakasabit sa kanyang damit. At dahil sa kahihila niya,napapansin niya na nasisira na ang dulo ng kanyang damit, kinakailangang punitin ang kanyang damit para matanggal iyon sa pagkakasabit mula sa halaman. Ngunit ayaw niyang punitin iyon,bakit nga naman nya pupuntin ang kanyang magandang damit dahil lang sa isang halaman na pwede nya naman hugutin iyon mula sa kanyang ugat. Iyon nga ang ginawa ni dennis hinila niya ang ugat ng halaman. Ngunit nanatili paring nakasabit ang halaman sa kanyang damit. Kung kayat mapipilitan siyang buhatin iyon kung saan man siya mag punta. Umalis na siya sa may pagitan ng halaman. At natatanaw na niya ang gate ni mike adler, ngunit napansin niya na wala na sina anne at vhon,nakaalis na ito kanina pa. ’’huh!langya pinagpawisan ako sa gagong halaman na ito ah!’’ sabi nito habang pinapagpag ang kanyang pantalon na puro lupa mula sa halamanan. Matapos niyang pagpagin,lumingo siya sa gilid,napansin niya ang bakod ng bahay na iyon,matas pala iyon! Pagkatapos noon,dumiretso na siya sa gate ng bahay na iyon,humakbang siya. At kasama niyang humakbang ang halaman na nakasabit sa kanyang damit. Bitbit niya iyon. Matapos humakbang ni dennis papunta sa gate,humarap siya. Napansin niya na walang tao sa paligid ng bahay. Wala na roon si mike, marahil naka-akyat na ito sa loob ng bahay nila. Napakamot ng ulo si tennis hindi niya alam ang gagawin,kung kayat naisaipan niyang sumigaw. At inaasahang may makakarinig sa kanyang sigaw. “Heyyyy!!!!!may tao ba rito?”tahimik ang paligid at walang nakarinig sa kanyang pagisigaw! Lumingon siya sa kanyang paligid,walang tao. Kung kayat inulit niya ang kanyang pagsigaw tulad kanina. “Heyyy!!!” at malakas na ito,hindi tulad kanina niyang pagsigaw. At halos lumabas na ang kanyang laway para lang mailakas niya ang kanyang sinisigaw at may makarinig sa kanya. Matapos noon,hinihintay niya lang na may sumagot. Lumipas ang isang minuto,wala siyang nakitang nagbago sa kanyang harap,wala paring nakarinig sa kanya! Hindi na alam ni dennis ang gagawin kung kayat humahanda ulit siya sa pagsigaw sa pangatlong pagkakataon! ngunit ng sisigaw na siya "HE....!" bigla siyang napatigil dahil may biglang sumulpot sa kanyang tagiliran, malapit sa may mukha nya ng lumitaw ang mukha ni mike. Kung kayat siya ay nagulat. napa-atsar siya ng malayo ng kaunti sa gate. Natulala sa pagkakagulat at hindi niya inaasahan na lilitaw sa kanyang harap ang mukha ni mike. Tumitig siya kay mike kahit malayo iyon sa kanya. Hindi umiimik siya mike kahit pa tinititigan siya ni dennis nakatingin din iyon sa kanya pinagmamasdan din siya. At hindi inaasahan ni dennis na bubukas ang bibig ni mike, una iyong nagsalita. At may sinasabi sa kanya. "Hey!pwede mo bang itigil ang pagsisigaw mo dyan. hindi mo ba alam na nakaka-istorbo ka?!" tukoy nito kay mike na medyo galit sa kanya at napahiya si dennis sa sinabi nito. Hindi parin nag-sasalita si dennis natulala siya. Matapos magsalita ni mike tumalikod na iyon sa kanya at wala nang idinagdag pa doon sa kanyang sinabi. dirediretso na iyon patungo sa pinto ng bahay. At nakita iyon ni dennis. Nakikita niyang palayo na si mike mula sa harap nang gate at papalapit na iyon sa pinto. Kung kayat sinigawan niya si mike at gustong pigilan. "Hey!saan ka pupunta ha?!bumalik ka dito,tanga. gusto kitang maka-usap. may gusto akong itanong sayo! heyyy!" pasigaw niyon kay mike at tumatalsik pa ang kanyang laway dahil sa nilalakasan niya ang kanyang pag-sigaw. Hindi lumingon si mike,at iniignore si dennis na para bang walang kumaka-usap sa kanya mula sa kanyang likuran. Malapit na sa pinto si mike, ngunit napatigil iyon at mukhang may iniintay pa atang marinig sa mga sasabihin o isisigaw ni dennis mula sa kanyang likuran. Napansin niyang huminto iyon sa harap ng pinto. At lalo iyong ikinagalit ni dennis, kung kayat napasigaw uli siya kay mike. "Anak ng......mamamatay ka ba kung magsasalita ka ha?! gusto kitang maka-usap,pwede ka bang bumalik dito at mag-usap tayo lalaki sa lalaki ha?!" Hinahamon na niya si mike. At tulad kanina hindi iyon pinansin ni mike at para bang walang narinig sa kanyang isinigaw kanina sa likuran nito. Walang iniwan na sagot si mike sa sinabi ni dennis. At humawak na iyon sa pinto at handa nang buksan. Walang nang inaksaya pa na minuto si mike pumasok na ito sa loob ng bahay. At lalo iyon ikinagalit ni dennis na para bang binabalewala siya talaga nito. Kung kayat sumigaw na naman siya, at inaasahan na lalabas uli iyon sa pintong iyon. "Hey! lalaking mahiyain, lumabas ka riyan, duwag ka ba ha?!" pasigaw niyang sabi,kasabay ng paggalaw niya ng gate at para bang gusto na niyang sirain at pumasok para sugudin doon si mike. Walang nangyari sa sinigaw ni dennis,nakaramdam lang iyon ng pagod. Tumahimik siya,nag-isip. Alam niya na kung itutuloy niya ang kakasigaw doon sa loob ng gate ay walang mangyayari. Nagsalita siya ngunti iyon ay mahina hindi katualad nang pagsigaw niya kanina. "Okei..kung ayaw mo makipag-usap ngayon,babalik ako bukas. naiinitindihan mo ba?!Hey?!" sabi nito na para bang kinaka-usap niya ang kanyang sarili. Hinintay niya ang ilang minuto at inaasahan na magbabago ang isip ni mike at lalabas na iyon at makikipag-usap na iyon sa kanya. Bumuntong hininga si dennis, at tinititigan ang bahay ni mike. At muli ito nagsalita "Okei..MR. shyguy!andito lang ako pagnagbago ang iyong isip. hinihintay ka!" Mahina nitong sabi. Iyon lang at tumahimik na si dennis. Marahil napagod sa kanyang ginawa kanina. Pero nakatayo iyon sa harap ng gate kung saan iniwan siya ni mike.
Sa loob ng bahay, hindi alam ni dennis na tinitingnan siya ni mike at pinagmamasdan sa bintana ng kanyang kuarto. Pangalawang palapag ng bahay na iyon. Umalis na sa harap ng bintana si mike,hindi na niya tiningnan si dennis. At umupo iyon sa kanyang kama,sabay humiga. Nahiga na ito kahit hindi niya pa inaalis ang sapatos nito at kahit ang kanyang suot na pampasok ng school. Humiga at natulog na si mike.
Kinaumagahan-matapos bumangon,maghilamos at mag-almusal ni mike, lumabas na iyon sa kanyang bahay at papasok na sa school. Ngunit nagulat siya ng may nakita siya sa harap ng gate ng kanyang bahay. Nakita nito si dennis na nakatayo sa harap ng gate at hinihintay siya. Magdamag ata itong nakatayo. hinintay siya katulad nang sinabi nito kagabi sa kanya na mag-uusap sila nito kinabukasan. Napahinto si mike,hindi niya inaasahan na makikita niya si dennis sa harap ng gate. Para kay dennis,masaya siya at nakita niya si mike,dahil halos hindi ito nakatulog para lang hintayin si mike sa harap ng gate,katulad ng pagkakasabi niya kagabi rito. "hehehehe!akala mo,makaka-ilag ka sakin ah para kausapin ako! nagkakamali ka!" ngiti nitong sinabi kay mike. tinitigan lang ni mike ang sinabi ni dennis. sa halip tumalikod ito katulad ng ginawa nito kagabi sa kanya. umiiwas siya sa taong hindi niya gustong kausapin. at iyon ay hindi nagustuhan ni dennis. "heyyyy!tatalikod ka na lang ba?!hindi mo ba itatanong kung bakit kita sinusundan ah?!" sigaw nito. malayo na si mike at hindi na niya matanaw iyon. at marahil nakalabas na ito papunta sa kabilang gate.
|