| nilalangaw na to ha.
gusto ko syang i-shutdown pero sayang e. hehe. dami kong kabalbalan na andito e. haha.
so keep ko muna to for a lil bit.
|
| |
| hey.
i think you probably know by now that i'm matamis_na_sentimiento |
| |
| alam mo ba bat ako galaw ng galaw? bakit ako alis ng alis? punta dito punta doon? kasi ayokong mapansin na tumatakbo ang panahon pero walang nangyayari "sa min". i have to keep myself busy kundi maloloka ako. mainipin pa naman ako. ayokong mang-pressure e. maiinis lang ako pag nangyari yung hinihintay ko kasi napilitan lang sya.
naiinis ako alam mo ba. trenta na ako e (aray!). pero parang. wala lang. dedma lang sya. selfish bang mag-isip ng ganito. kahit naman wag altar agad e. kahit "intention" lang. basta lang malaman ko na nandun yung "intention". na may long term plan sya para sa "amin". tinatanong nyo ako "kelan ako susunod". wag ako ang tanungin nyo. taga-oo lang ang babae e. lalo lang akong nalulungkot kasi di ko alam sagot sa tanong nyo. kasi di ko kayang basahin nasa isip nya. |
| |
| hello??!! ang engots ha. kelangan nila ng iodized salt |
| |
| oo! buhay pa ako. ano ka ba. konti na nga lang magaganda sa mundo mababawasan pa. kaya dapat lang na buhay pa rin ako.
so ano na? di ko alam at biglang napag-tripan kong sumulat ulit dito.
dun na kasi ako sa kabila nagsusulat. oha! ayoko na nga. baka mahulaan
nyo na kung sino ako. hwa hwa hwa! . ano pa ba. grabe. ganito ba
talaga pag tumatanda? nawawala ang sense of humor. nako. di yun maaari.
magkukwento na lang ako.
parang ang itim na naman ng kilikili ko. sabi nila ok daw yung dove na
deodorant pero parang umitim kilikili ko sa kanya e. kinaiinggitan pa
naman ng mga prendly-prends ko ang kilikili ko kasi parang pantay lang
daw ng braso ko. problema lang sa kin yung may chicken skin sya e.
dahil kaya yun sa kakakain ko nang manok? hwa hwa hwa . syet. corny
ko naman. anyway. so yun nga. balik tawas na lang ako. at balak kong
gumamit ng green peeling oil para mag-peel kilikili ko at baka tumigas
na libag lang yun kaya maitim.
may bumabasa pa kaya neto? pero ha. nagulat ako. ang dami na palang member nang Can I Say it in Filipino.
ay. napanood nyo na ba yung commercial ng smart at DOT. maygudhaymen.
ang ganda ng views e. kaso pansira ang boses ni regine. parang puro
tili ang narinig ko e. ewan ko ba parang ako nahihirapan pag kumakanta
sya. gandang-ganda sya dun? haynakow. sige na nga. wala lang siguro
akong taste pero honestly ha, kung nagsasalita ang kilikili ganun
siguro ang boses nun. tabi-tabi pow sa mga fans ni regine.
|
| |