combustionlayouts!
giselle_afable
read my profile
sign my guestbook

Name: Giselle
Metro: Manila
Birthday: 7/1/1989
Gender: Female


Message: message me
Website: visit my website
Yahoo: bam2_03


Member Since: 4/16/2005

SubscriptionsSites I Read
karlaganda

Posting Calendar

|<< oldest | newest >>|
view all weblog archives

Get Involved!

Suggest a link

Recommend to friend

Create a site

Saturday, September 03, 2005

TAEKWONDO MODE! TODO TRAINING!


Saturday, August 20, 2005

hay natapos din ang pinakaaabangang training. sandali nga lang e dahil may demo pa sila ate my sa market market. masaya ang sparring una dahil di masyadong pamatay, pangalawa, 2 rounds lamang kaya ayos na ayos lalo na kapag sandamakmak ang power training. Nasulyapan ko na rin pala ang mga larawan ng taek team kanina dahil sa cd na ipinahirap ni cent. Salamat ng marami!! Laking tulong nun para mabuo ko ang scrapbook! ;)

di masyadong kaayaaya ang mga nangyayari ngayon. Ewan ko ba kung bakit napakaraming tao ang humahadlang at kung hindi man, yung tipong nakababangga. Masakit isipin na sa kabila ng lahat, di pa rin malinaw ang lahat at talagang namumuo ang galit sa isa't isa. Kung bakit naman kasi ang dami pang kumakalat na kung anu-ano, kung bakit naman kasi ang dami pang nais sumawsaw at makialam. WALA kaming ginagawang masama para sa inyong impormasyon! Kung di pa rin mapigil ang mga damdamin niyong nais nang sumabog, huwag niyo sanang idamay ang mga taong nanahimik. Ayoko talaga ng gulo, pero sa mga pagkakataong ganito, nagbabadya ang mga masasamang intensyon dahil na rin sa mga nangyayaring kamalasan. Nakakainit ng ulo't binabagabag ako ito ng tuluyan. Darating pa kaya ang araw kung kailan kami'y mamumuhay ng mapayapa't walang binabanggang ibang tao.
Ang problema kasi, sadyang may mga taong mahilig manghusga ng kapwa. Ni hindi niyo nga alam ang tunay nilang pagkatao, ang lakas ng loob niyong manghusga't mangdusta ng walang pag-aalinlangan. Mahiya naman kayo sa sarili niyo. Baka nais niyong sulyapan ang mga sarili niyong katauhan sa salamin.Iyan ba ang masasabing tamang gawain? tamang moralidad? pag-isipan niyo sana ng mabuti't sumangguni sa Diyos.


Sa lahat kasi ayoko ung mga taong naninira dahil wala talaga silang alam sa mga nangyayari. Nababahiran lamang ng kung anu-anong kamalian ang kanilang pagkatao marahil dahil na rin sa pagkasuklam, galit o maaari din namang inggit. Sana'y maresolba na ang lahat dahil di ko na nagugustuhan ang mga nangyayari.


Thursday, August 11, 2005

ayan! tapos na ang kasuklam-suklam na eksamen!! Napakasarap ng pakiramdam dahil tapos na ang mga paghihirap! maaari ko nang maipagpatuloy ang mga naantalang paglalakwatsa at siyempre, ang walang humpay na pagbisita sa dreamland! oo masarap matulog dahil kanais-nais ang panahon! napadalas ang pag-inom ko ng kape dahil sa pagpupuyat. pinagbawalan na nga ako ng nanay ko pero patago kong iniinom dahil kung hindi nako zzzzzzz pag test! sanay maging katanggap-tanggap ang mga resulta at iyon at sasambulat sa Lunes!! nako naman! ang tagal ko ng walang ensayo sa taek! garapon! sabik na akong sumipa at marinig ang hampas sa kick pad! arghh sparring asan ka???? habang nilulunod ko ang utak ko sa chem nung isang araw, bigla na lamang ako titigil at susubukan ang turning long! reg ang hirap! pero may natuklasan ako a! double roundhouse na kakaiba dahil ang tuhod ay di gaanong iaangat! gets? parang form ng full moon.. basta! pakita ko sayo!

ang saya kanina dahil todo lamon sa mcdo! malanghap ko lang ang fastfood eh talagang nagwewelga na ang sikmura ko! at si kara! nako talgang nilimas ang big mac!;) O pawang katotohanan lamang un ah! usap tayo mamaya kara! o baka nais mong masilayan ang claret sa sabado? tara training!!


Thursday, July 21, 2005

hoo! daming gagawin at ginagawa!! sensya't ako'y malabo ngayon dahil makakalbo na talaga ako sa STRESS! daming homework, quizzes at iba pa! nakararamdam na ako ng takot dahil sukdulan ang kahirapan ng pagiging isang estyudyante sa ikatlong taon!! habang lumilipas ang mga araw, mas lalo kong napagtatanto kung gaano kalayo ang minimithi kong pagiging honor student! eh mukhang laganap na ang mga sumesemplang na grado at nauuwi ako sa pagiging horror student! ilang gabi narin akong puyat at di makatulog dahil sa ang dami kong iniisip... grades, college, future hws, taekwondo, training, training, amazona category, nationals, long test sa MATH, IKAW at.. ikaw! *sigh* kung maaari ko lamang mapabilis ang oras ay gagawin ko. minsa'y pakiramdam ko nasa hukay na ang dalawa kong paa dahil talagang nalulugmok ako sa depresyon at kalungkutan lalo na pag nasasambit ang mga bagay ukol sa eskwela. Mabui't nariyan ka palagi upang ako'y pasayahin. kapag kausap kita, panatag ang loob ko, lahat ng aking mga saloobin at mga pahayag ng aking nagsusumiting damdamin ay naipapahayag ko. oo nasasabi ko ang lahat ng walang kahit isang porsyentong pag-aalinlangan. Tinig pa lamang ng iyong boses, tila napapawi ang aking sama ng loob. Hindi ko rin alam kung paano nangyari un pero kung magagawa ko lamang na ilagay ka sa mga paa ko, gagawin ko upang maranasan mo. Laking pasasalamat ko sa Diyos dahil ika'y nakilala. Tila ika'y nagsilbing regalo ng Panginoon. Nabago ang lahat dahil sa iyo. Araw at gabi, di ko nakaliligtaang masambit sa Diyos kung gaano kalaki ang aking pasasalamat dahil ikay ipinagkaloob sa akin! Ipinagdarasal kong palagi kang masaya at nasa maayos na kalagayan. Dapat paghusayan ang mga bagay sa kasalukuyan dahil ito ang huhubog sa ating kinabukasan. Alam mo na ang nais kong ipahiwatig. Nais ko pang isiwalat ang iba pang mga bagay ngunit saka na lang dahil kalikod ko si INAY! :-/


Sunday, July 10, 2005

LOVE OF MY LIFE
South Border

Oh, love of my life
Destined forever
I will be right here
By your side
No falling tears
When we're together
You know the joy
You bring to me

Refrain:

Never, there'll be no other
We'll share as lovers
Right from the heart
From my mind to your soul
I will give it to you girl
My every little thing
That I'm more than willing
I will give to you

Chorus:
Forever starts from now
I promise you
Lovin' you is all
That I can do
No one can take it
Away from me
Nobody but you

Now is the time stars will be bright
Our bodies will groove
All through the night
Come take my hand
Then we will fly high
Come on baby hear me say

Repeat Refrain:
Repeat Chorus

Bridge:

There'll be no time
For sad goodbyes
Without you here
I can't get by
Don't you go away


ganda ng kanta na yan! kanina pa nga ako paulit ulit eh. naririndi ang mga butiki at anay sa kwarto! shempre hindi lang basta kanta yan dahil may ibig sabihin ito. Eto nanaman ako sa solid to liquid stage! melting melting!



Next 5 >>

(=CHaT ZonE=)