Kagabi nagkukwentuhan kami ng bespren kong si joie. Baka daw sa susunod na taon, pupunta na sa US ang kanyang gerlpren. Kaya nagpaplano na daw sila ng kasal. Sabi niya, "Pano ba yan flor, ikaw na lang maiiwan sa ting tatlo nina jp." "Tumatanda na tayo, wala ka pang planong magpakasal?", tanong niya. Siyempre sagot ko, "Pano naman ako magpapakasal kung wala pa akong boypren". Sa loob-loob ko wala namang masama sa pagiging single ko di ba, masaya naman ako. Masaya ako kahit single ako at bente-singko na'ko. Nung bata ako sinabi ko sa sarili ko na magpapakasal siguro ako pag nasa 25 or 26 na ko, pero mukhang malabo pa yun ngayon. Ni wala ngang nanliligaw sa akin pero di naman talaga ako naghahanap. Sa totoo lang ay masaya naman ako sa singlehood ko ngayon, minsan may mga pagkakataon lang na pakiramdam ko, kinakaawaan ako dahil wala akong boypren na Hindi naman dapat. Darating din yun, tsaka sa totoo lang di pa ko handang magpasakal at mabuntis. Hehe!
+++
Nasabi ko na to dati, na minsan nagiging katulad natin ang mga kasama natin araw-araw. Pag barumbado ang mga barkada mo, may tendency na maging basagulero ka din. Pag barok ang mga kasama mo, posibleng maging barok/jologs ka na din kahit hindi ka ganun dati. Pag maganang kumain ang mga kasambahay mo, malamang matakaw ka din. Pag pihikan silang kumain o lahat sila nagdadiet, malamang mahawa ka din. Kahit simple ka lang nuon, pero pag ang kasama mo araw-araw ay mga coño/sosyal, hindi mo maiwasang maging sosyal na rin kagaya nila. Pakikisama ba, pero minsan ang pakikisama mo nagiging natural na rin sa iyo. After awhile, kaparehas mo na sila. Hindi naman talaga ito masama, wag lang maging labis ang pagbabago ng ugali. Baka kasi hindi mo napapansin, hindi mo na kilala ang sarili mo at makalimutan mo na kung ano ang tunay na ikaw. Bato-bato sa langit, ang tamaan wag magalit.
+++
Bakit kaya may mga taong kayhilig gawing pulutan(sentro ng usapan) ang ibang taong wala duon sa umpukan? Sa una okay lang naman ang ganito, masaya pa, nakakaaliw ang tsismisan pero kung panay masama na lang ang sasabihin mo sa isang tao pag nakatalikod siya, wag na lang. Ayoko ng sumama sa kuwentuhan, tatahimik na lang ako. At kung ikaw ang tinutukoy ko, sana tigilan mo na ang masamang ugali mong iyon. Iwasan ang negative vibes. Yun lang.
Just thinking out loud....
Sulat ka (5)